P1.2 milyong shabu, nasabat sa babaeng suspek

 

Nasa 1.2 milyong pisong halaga shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Quezon City Police at PNP Anti-Illegal Drugs Group sa isang babaeng Filipino-Chinese na diumano’y big-time drug pusher.

Nakilala ang naarestong suspek na si Jennifer Hong, 30-anyos, na residente ng Congressional Ave., QC na nadakip sa buy-bust operation sa Congressional Avenue, Bgy. Claro, QC.

Ayon kay Sr. Supt. Guillermo Eleazar, district director ng QCPD, nakuha sa suspek ang nasa kalahating kilo ng shabu nang madakip.

Isa si Hong sa itinuturing na high value-target ng PNP-AIDG matapos na lumabas na live-in partner ito ng isang big-time drug dealer na nakapiit sa New Bilibid Prisons (NBP).

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang babaeng suspek.

Read more...