Mga dumadalo sa libing sa Syria pinasabugan, 16 patay

By Jay Dones August 29, 2016 - 04:19 AM

 

AFP Photo

Hindi bababa sa 16 katao ang nasawi samantalang maraming iba pa ang nasaktan makaraang tamaan ng dalawang bomba ang mga taong dumadalo sa isang libing sa Aleppo, Syria.

Naganap ang pagsabog sa kasagsagan ng isang funeral march ng mga residente sa Bab Al-Nairad, na hawak ng mga rebelde.

Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, nagmula ang mga naturang bomba mula sa mga fighter jets na suportado ang gobyerno ni Basher Al-Assad.

Nauna rito, nasa 15 mga residente na nasawi sa pambobomba noong nakaraang linggo ang  inihahatid sa huling hantungan nang muli silang tamaan ng dalawang bomba.

Una nang kinondena ng United Nations ang serye ng  pambobomba sa Aleppo kung saan  karamihan samga biktima ay mga kabataan.

Nanawagan na rin ang UN sa magkabilang panig na pansamantalang itigil ang karahasan upang maihatid ang kinakailangang relief supplies sa mga apektado ng giyera.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.