Bilang ng mga napatay na ASG members sa Sulu clash, umakyat na sa 21

By Mariel Cruz August 28, 2016 - 04:18 PM

sulu mapUmakyat sa dalawampu’t isa ang napatay na miyembro ng Abu Sayyaf Group sa naganap na bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at bandidong grupo sa Patikul, Sulu noong Biyernes (August 26).

Ito ang kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa pamamagitan ni Brig. Gen. Restituto Padilla.

Sampung katawan ang narekober ng security forces dahilan para pumalo sa dalawampu’t isa ang napatay na Abu Sayyaf.

Ayon pa kay Padilla, ilan pang miyembro ng bandidong grupo ang nasugatan sa naganap na bakbakan.

Nakuha rin aniya sa mga Abu Sayyaf ang limang matataas na kalibre ng baril.

Pumutok ang naturang bakbakan isang araw matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin at durugin ang Abu Sayyaf Group kasunod ng pagpugot sa ulo ng labing walong taong gulang na bihag ng bandidong grupo. Sa ngayon bihag pa rin ng ASG ang aabot sa labing anim na dayuhan.

Kabilang na rito ang Norweigan na si Kjartan Sikkengstad, isang Malaysian at Indonesian nationals.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.