Nakatakdang pagkikita nina Pres. Duterte at CongW. Arroyo sa Pampanga, hindi natuloy

By Isa Avendaño-Umali August 28, 2016 - 04:11 PM

arroyoKinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatakdang pakikipag-kita nito kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ngayong araw ng Linggo.

Nauna nang inimbitahan ni Arroyo si Presidente Duterte na bumisita sa Pampanga para sa pista ng St. Augustine.

Ayon kay Marciano Paynor, chief of the Presidential Protocol Office, nakansela ang biyahe ng Presidente dahil sa sama ng panahon.

Sinabi ni Paynor na dalawang piloto ang nagsagawa ng roving flights, subalit sadyang maulap at malakas ang ulan.

Dahil dito, pinayo ng mga ito na huwag nang ituloy ang biyahe ng Pangulo patungong Pampanga.

Sa kabila nito, sinabi ni Paynor na nag-text na umano si Pangulong Duterte kay Arroyo at tiniyak na dadalaw sa Pampanga pero sa ibang pagkakataon at petsa.

Nabatid naman na dumating sa tahanan ni Arroyo ang ilan sa kanyang former cabinet members, subalit hindi pinayagan naman ang media na makapasok sa bahay ng Pampanga solon.

Si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay ay napabalitang dumalaw sa mga kaanak ng pitong Kapampangang OFWs na nahaharap sa iba’t ibang kaso sa Saudi Arabia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.