UPDATE: Inmate na nang-hostage sa kapwa inmate sa Cagayan de Oro City, patay matapos barilin

cdoPatay ang isang inmate sa Misamis Oriental provincial jail matapos gawing hostage ang kapwa inmate nito sa Cagayan de Oro City.

Nabatid na binaril ng assault team ng Cagayan de Oro police ang suspek na si Jomar Itong, 36 anyos na mula sa Cabanglasan, Bukidnon.

Ayon kay Chief Insp. Christian Caballes, Scene of the Crime Operative (SOCO) team leader, tumamo ng limang tama ng baril si Itong sa kanyang dibdib at balikat na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Ang kanyang binihag na si Vicente Libona, 59 anyos na mula sa Lagonglong, Misamis, ay napag-alaman na miyembro ng New People’s Army (NPA).

Si Itong ay humaharap sa kasong serious illegal detention habang si Libona naman ay nakakulong dahil sa robbery with homicide.

Ayon naman sa jail warden na si Dominador Tagarda, posibleng may sakit sa pag-iisip si Itong kung kaya hinostage nito ang kapwa inmate.

Si Tagarda naman ang nakipag-negosasyon kay Itong bago pa ito mapatay ng pulisya.

 

Read more...