Cong. Amado Espino, pinagle-leave muna sa Kamara sa gitna ng pagkakadawit sa drug matrix

By Isa Avendaño-Umali August 28, 2016 - 03:16 PM

Amado EspinoPinayuhan ng isang Lider ng Kamara si Pangasinan Rep. Amado Espino Jr. na mag-leave muna sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Paliwanag ni House Deputy Speaker Fredenil Castro, ang pagle-leave sa Kapulungan ay ang pinaka-magandang dapat gawin ni Espino upang ma-klaro niya ang kanyang pangalan.

Si Espino ay dawit umano sa operasyon ng ilegal na droga, batay sa matrix na isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Castro, sakaling mag-leave si Espino ay maaaring magtalaga ang House Speaker ng caretaker para sa ikalimang distrito ng Pangasinan.

Pwede aniyang magsilbing caretaker ang isang Kongresista na malapit sa distrito ni Espino.

Sa oras na malinis na ni Espino ang kanyang pangalan at mapatunayan sa constituents at publiko na wala siyang ginawang mali, sinabi ni Castro na maaari nang bumalik ang Kongresista sa trabaho nito sa Kamara.

Noong nakalipas na linggo, sinabi ni Espino na handa siyang sumailalim sa imbestigasyon at humingi pa ng tulong kay House Speaker Pantaleon Alvarez upang personal na makausap ang Presidente upang depensahan ang sarili.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.