FOI bill, malabo pang maisabatas ngayong 2016, ayon kay House Speaker Alvarez
Para kay House Speaker Pantaleon Alvarez, maliit ang tsansa na maipasa ngayong 2016 ang Freedom of Information o FOI Bill.
Paliwanag ni Alvarez, baka kapusin ang panahon kung pipiliting ipasa ngayong taon ang FOI Bill.
Ito’y dahil na rin nakatutok at mas abala ang Mababang Kapulungan sa pagbusisi at pagpasa sa 2017 proposed national budget, na nagkakagalaga ng P3.35 trillion.
Bukod dito, hindi pa kumpleto ang mga komite sa Kamara, gaya na lamang lupon na hahawak sa FOI bill.
Dahil dito, inamin ng House Speaker na posibleng sa susunod na taon na mapagtibay ang FOI bill.
Sa kabila nito, muling tiniyak ni Alvarez na wala siyang problema sa FOI Bill at isusulong nila ang approval nito, lalo’t nauna nang naglabas ng Executive Order si Pangulong Rodrigo Duterte para sa implementasyon ng FOI sa hanay ng ehekutibo.
Matatandang idineklara ni House Committee on Public Information chairman Antonio Tinio na sa loob ng taong kasalukuyan ay maipapasa ang FOI bill.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.