Ayon sa Explosive and Ordinance Disposal unit ng Cotabato police, inilagay ng hindi pa nakikilang mga suspek ang bomba sa bubong ng opisina bandang alas siyete ng gabi.
Sa kabila ng malakas ang pagsabog, wala naman nasawi o nasugatan sa nasabing insidente.
Ayon naman kay Cotabato City Acting Mayor Cynthia Guiani Sayadi, posibleng pananakot lamang sa mga residente at otoridad na suportado ang kampanya ng lungsod laban sa ilegal na droga at kriminalidad ang isinagawang pagpapasabog.
Nabatid na ang pinasabog na opisina ay matatagpuan sa tabi ng isang police station kung saan talamak umano sa mga preso ang paggamit ng iligal na droga.
Matapos ang insidente, nagsagawa ng raid sa nasabing police station at nasamsam ang ilang drug paraphernalia, cellphone, lighter at DVD player.