Singapore, nakapagtala ng unang kaso ng locally transmitted Zika virus infection

By Mariel Cruz August 28, 2016 - 09:59 AM

zika virus2Nakapagtala ng kauna-unahang kaso ng locally transmitted Zika virus infection ang bansang Singapore.

Batay sa pagkilala ng mga otoridad, ang kumpirmadong pasyente ay isang babaeng Malaysian, 47 anyos at residente sa nasabing bansa.

Sa joint statement ng Ministry of Health (MOH) at National Environment Agency, wala pang rekord ang pasyente na bumiyahe sa mga bansang apektado ng Zika kung kaya’t nakuha nito ang sakit sa Singapore.

Nakaranas ang nasabing pasyente ng lagnat, rashes at conjunctivitis bago ito mag positibo sa naturang virus makaraang ang dalawang araw na pagkaka-admit nito sa isang local hospital sa bansa kung saan ito isinailalim sa obserbasyon.

Bukod dito, isinailalim na ng health ministry sa screening ang tatlong iba pa matapos mag positibo sa mosquito borne virus sa unang test batay sa kanilang urine samples.

Matatandaang naitala ang unang imported case ng Zika virus infection sa Singapore noong buwan ng Mayo sa isang lalaking Singaporean na bumiyahe sa Sao Paulo sa Brazil.

Nagsimula ang Zika outbreak sa Brazil noong nakaraang taon at kumalat na ito sa mga kalapit na bansa. / Mariel Cruz

 

TAGS: zika virus, zika virus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.