2 domestic flights, kanselado dahil sa sama ng panahon

naiaDalawang domestic flights ang kanselado ngayong araw ng Linggo dahil sa masamang panahon.

Sa advisory ng Manila International Airport Authority, ang mga cancelled flight ay mula sa Philippine Airlines o PAL Express. Ang mga ito ay:

2P 2084: Manila – Basco
2P 2085: Basco – Manila

Samantala, ayon sa PAGASA, nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang Bagyong Dindo.

Gayunman, makararanas na rin ng mga pag-ulan ang maraming lugar sa bansa dahil sa umiiral na Habagat.

Read more...