May panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa mga susunod na araw.
Batay sa oil industry, nasa 40 hanggang 50 centavos ang price increase sa kada litro ng gasolina.
10 hanggang 20 centavos naman ang pagtaas sa halaga ng bawat litro ng diesel at kerosene.
Ang nakaambang adjustment ay ikatlo na sa serye ng oil price increase.
Ito’y bunsod pa rin ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.