MTV Video Music Awards ngayong taon, magsisilbing open platform sa celebrities

By Rod Lagusad August 28, 2016 - 04:04 AM

en.wikipedia.org

Mapapanood ang MTV Video Music Awards sa mahigit na 120 na bansa kung saan ayon sa mga producers ng MTV ay pumili sila ng mga celebrities para sa magaganap na awards night at hahayaan nila ang mga ito na magdesisyon sa kung ano ang kanilang gagawin.

Magsisilbing open platform ang naturang event sa mga outspoken celebrities tulad ng rapper na si Kanye West na kung saan matatandaan na noong nakaraang taon kanyang inanusyo ang kanyang pagtakbo bilang presidente ng US sa 2020.

Ayon kay Erik Flannigan, executive producer ng show, ang nasabing event ngayong taon ay magiging canvas para sa mga artist hindi lang sa kanilang art maging sa kanilang mga opinion kaugnay ng mga kasalukuyang nangyayari sa mundo.

Hindi tulad noong nakaraang taon na si Miley Cyrus ang nagsilbing host ng programa, ngayong taon ay hindi magkakaroon ng iisang host.

Gaganapin ang awards night sa unag pagkakataon sa Madison Square Garden sa New York.

Nakatakdang magtanghal sina Ariana Grande, Britney Spears, Nicki Minaj, Common, Future at ang R&B chart-topper na si Rihanna na tatanggap ng Video Vanguard Award for lifetime achievement.

TAGS: Ariana Grande, Kanye West, Madison Square Garden, MTV Video Music Awards, Rihanna, Ariana Grande, Kanye West, Madison Square Garden, MTV Video Music Awards, Rihanna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.