PFF, inanunsyo na kanselado na ang friendly match sa pagitan ng Azkals at Turkmenistan

en.wikipedia.org

Inanusyo ng Philippine Football Federation (PFF) na kanselado ang nakatakda sanang friendly match sa pagitan ng Philippine Azkals at Turkmenistan sa September 2.

Ayon kay PFF General Secretary Edwin Gastanes na nakatanggap sila ng urgent notice mula sa Football Federation ng Turkmenistan kung saan mahigit sa kalahati ng miyembro ng kanilang national team ay may injury mula sa katatapos lang na Turkmenistan Championship match at Turkmenistan Cup.

Humingi ng paumanhin ang PFF sa lahat ng mga football fans sa pagkakansela ng nasabing laro.

Ang national team ng Turkmenistan ay hindi na bago sa Philippine football team dahil apat na beses na nagkaharap ang dalawang grupo simula pa noong taong 2010.

Sa kasalukuyan may tig dalawang panalo ang magkabilang koponan mula sa mga nasabing laro.

Dagdag ni Gastanes na patuloy na mag-eensayo at maghahanda ang Azkals sa kanilang laban sa Kyrgyz national team sa Bishekek sa darating na September 6.

 

 

 

 

 

 

Read more...