2 hinihinalang drug users patay sa pamamaril

crime-scene-tapePatay ang dalawang hinihinalang drug users sa magkahiwalay na insidente sa San Juan at Marikina.

Sa natangap na ulat ng Eastern Police District, kinilala ang biktima sa San Juan na si Gilber Caniguel, 44 taong gulang ng 2nd West Crame sa naturang lungsod.

Ayon sa pulisya, nakatayao si Caniguel malapit sa kanyang bahay ng pagbabarilin siya ng ulit ng isang armadong lalaki na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Agad namang tumakas ang namaril matapos ng insidente.

Habang patay din sa pamamaril ang isang jeepney driver na kinilalang si Estelito Tanyag, 53 taong gulang sa BG Molina Street in Parang, Marikina ng dalawang gunmen na sakay ng isang motorsiklo.

Ayon sa Marikina City Police, nauna ng sumuko si Tanyag sa mga pulisya noong July 15 matapos siyang puntahan ng mga pulis sa kanyang bahay kaugnay ng isinagawang “Oplan Tokhang”.

 

 

 

Read more...