Lanao del Sur Provincial Jail nilusob, Maute Group members itinakas

MauteNilusob ng halos ay dalawampung mga kalalakihan na armado ng mga high-powered firearms ang Lanao del Sur Provincial Jail.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, sinabi ni Lanao del Sur Provincial Police Office Director SSupt. Agustin Tello na sakay ng apat na mga sasakyan ang mga suspek ng pasukin nila ang bilangguan pasado alas-singko ng hapon kanina.

Itinakas ng mga suspek ang walong mga bilanggo na pawang mga miyembro ng Maute Group.

Ang nasabing grupo ang nasa likod ng ilang mga serye ng kidnapping at panghoholdap sa Lanao del Sur at mga kalapit lalawigan.

Noong isang linggo ay nahuli ang nasabing mga miyembro ng Maute Group sa isang operasyon na pinangunahan ng PNP at AFP.

Nagsasagawa ng hot pursuit operations ang mga otoridad para maaresto ang nasabing mga takas na bilanggo at armadong mga kalalakihan.

Read more...