Pulis na nakunan ng video na nanutok ng baril sa Cebu nakilala na

By Den Macaranas August 27, 2016 - 07:01 PM

Mandaue cop
Video grab/youtube

Patong-patong na mga kaso ang naghihintay sa isang tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa Mandaue City sa Cebu makaraan siyang makunan ng video habang tinututukan ng baril ang tsuper ng isang trak.

Viral ngayon sa social media ang video ni PO3 Renato Inot at ng kanyang kasamang lalaki na hanggang ay hindi pa rin nakikilala.

Sina Inot ay nakunan ng video habang minumura, ang tsuper ng isang trak na kanilang nakagitgitan habang sakay ng isang motorsiklo sa bahagi ng A.C Cortez Avenue sa Brgy. Looc, Mandaue City.

Sinabi ni Mandaue City Police Chief S/Supt. Roberto Alanas na hindi nila palulusutin ang pagkakamali ng kanyang mga tauhan.

Nangako naman si Mandaue City Mayor Luigi Quisumbing na tutulungan niya ang biktima para sa pagsasampa ng kaso laban sa naturang pulis.

Umani ng batikos sa mga netizens ang nasabing pananakit at panunutok ng baril ni Inot.

TAGS: mandaue cebu, Netizen, renato inot, mandaue cebu, Netizen, renato inot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.