HPG cop na sangkot sa pagpatay sa isang motorista nagpakamatay sa Camp Crame

By Den Macaranas August 27, 2016 - 03:19 PM

HPG cop
Manon-og (L), de Villa (R) / Inquirer file photo

Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa rooftop ng Police Security Protection Group (PSPG) building sa Camp Crame si PO3 Jeremiah de Villa.

Si de Villa ay kabilang sa dalawang tauhan ng Highway Patrol Group na iniimbestigahan kaugnay sa pagkamatay ng motoristang si John dela Riarte noong July 29.

Magugunitang si Riarte ay napatay habang nasa loob ng mobile car ng HPG makaraan siyang arestuhin nina de Villa at P02 Jongie Manon-og.

Nauna nang napaulat na may naka-alitang kapwa motorist sa Edsa si dela Riarte na siyang dahilan kung bakit siya inaresto ng mga pulis.

Ang nasabing mga pulis ay iniharap na kahapon sa inisyal na imbestigasyon ng Department of Justice kung saan ay inirekomenda ang pagsasampa ng kaso laban sa kanila.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni HPG Director Antonio Gardiola Jr. na ilang araw na nilang napapansin ang pagiging tulala ni de Villa.

Kaninang umaga ay binati pa umano siya ng ilang kasamahang mga pulis pero tumango lamang ito habang umaakyat sa gusali ng PSPG na kalapit lamang ng HPG Headquarters.

TAGS: dela riarte, HPG, jerimiah de villa, jongie manong-og, PSPG, dela riarte, HPG, jerimiah de villa, jongie manong-og, PSPG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.