Bilang ng mga patay sa lindol sa Italy umabot na sa 267

By Den Macaranas August 27, 2016 - 02:47 PM

italy-quake-620x411
AFP

Umakyat na sa 267 ang patay sa naganap na magnitude 6.2 na lindol sa malaking  bahagi ng Italy kahapon.

Pinaka-malaking pinsala ang naitala sa bayan ng Amatrice kung saan maraming mga gusali at bahay ang gumuho.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Prime Minister Matteo Renzi na mahigit sa 400 katao ang ginagamot sa iba’t ibang mga pagamutan dahil sa nasabing lindol.

Nagpalabas na ang kanilang pamahalaan ng paunang $56 Million bilang tulong sa mga nabiktima ng kalamidad.

Kahapon ay nagdeklara na rin ng state of calamity ang Italy dahil sa lawak ng pinsala ng naturang lindol.

Hanggang sa mga oras na ito ay ramdam pa rin ang mga aftershocks sa ilang mga lugar sa paligid ng Amaritce.

TAGS: italy, magnitude 6.2, renzi, italy, magnitude 6.2, renzi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.