Metro Manila maagang binaha

By Den Macaranas August 27, 2016 - 09:58 AM

NCR rain
Inquirer file photo

Lumubog sa tubig baha ang ilang mga lansangan sa Metro Manila dahil sa patuloy na pag-ulan simula kagabi.

Base sa monitoring ng Metro Manila Development Authority, binaha ng hanggang sa gutter ang ilang bahagi ng Taft Avenue sa lungsod ng Maynila.

May tubig din sa ilang bahagi ng Pasong Tamo, Buendia, Kamagong at Pasong Tirad st. sa Makati City.

Sa CAMANAVA area, kinansela na ng pamahalaang lokal ng Malabon ang klase sa lahat ng antas ngayong araw dahil sa matinding baha.

Kaninang alas-sais ng umaga ay isinailalim ang buong Metro Manila sa yellow warning dahil sa Habagat pero ayon sa Pagasa ay magiging maulan ang buong maghapon.

Magiging maulan din ang buong Bulacan, Pampanga, Rizal, Cavite at Batangas ayon sa pinakahuling weather bulletin ng Pagasa.

TAGS: baha, habagat, Pagasa, baha, habagat, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.