IBP nanawagan ng hustisya sa pinatay na abogado ng drug lord

By Den Macaranas August 27, 2016 - 09:24 AM

IBP
IBP

Mariing binatikos ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pagpatay sa abogado ng suspected drug lord na si Albuera. Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. at ng kanyang anak na si Kerwin.

Si Atty. Rogelio Bato Jr. ay pinagbabaril habang sakay ng kanyang pick-up truck sa Tacloban City noong Martes ng hapon.

Patay din sa pananambang ang kasama niyang menor-de-edad na babae sa loob ng sasakyan.

Sinabi ng IBP na hindi dapat gawing target ng mga assassins ang mga abogado dahil ginagawa lamang nila ang kanilang simumpaang tungkulin.

Binigyang-diin rin ng IBP sa kanilang pahayag na ang “law profession” ang siyang tumitiyak par magkaroon ng kaayusan sa lipunan.

Iyun din ang mabisang panangga para harangin ang anumang uri ng anarkiya ayon pa sa kanilang inilabas na statement.

Nanawagan rin ang IBP sa National Bureau of Investigation na tiyakin na mabibigyan ng hustisya ang pagpatay sa nasabing abogado.

TAGS: albuera, bato, espinosa, IBP, albuera, bato, espinosa, IBP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.