Training ng mga police recruit, gustong ibalik sa PNP

By Ruel Perez August 27, 2016 - 05:11 AM

pnpBalak umano ng Philippine National Police (PNP) na maibalik sa kanilang pangangasiwa ang training ng mga police recruit.

Sa harap ito ng nakikitang pagkukulang o pagkakamali sa recruitment system kung kaya tila napapariwara ang ilang mga pulis lalo na ang mga baguhan o bagito.

Ayon sa tala ng IAS o Internal Affairs Service ng PNP, pawang mga ranggong PO1 hanggang PO3 ang nasasangkot sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga na ngayon ay kanilang iniimbestigahan.

Sa ngayon, ang NPTI o National Police Training Institute ng Philippine Public Safety College ang nagtraining sa mga magpupulis.

Ayon kay PCSupt. John Sosito, acting director ng PNP Training Service, nais nilang maturuan nang maayos ang mga magpupulis sa aspeto ng skills enhancement, intellectual development at moral transformation.

Samantala, katwiran naman ni PCSupt Jose Erwin Villacorte, director ng NPTI, sa loob ng isang taong training ng mga police recruit, anim na buwan dyan ay para sa academic course.

Habang ang kalahating anim na buwan naman ay nasa pangangasiwa na aniya ng training service ng PNP para sa field training exercise.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.