Yellow rainfall warning, itinaas sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan

rainfall-englishItinaas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang yellow rainfall warning sa Metro Manila, Zambales, Cavite at Bataan kaninang alas-4:00 ng madaling araw.

Dahil dito, nagpaalala ang PAGASA ng posibleng pagbaha lalo na sa mabababang lugar.

Samantala, mararanasan naman ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Pampanga, Bulacan, Batangas at Rizal sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Ang mga pag-ulan na nararanasan sa mga nabanggit na lugar ay dahil sa umiiral na habagat.

Read more...