Humina na ang bagyong Dindo habang patuloy nitong binabagtas ang direksyong east northeast ng Philippine Sea.
Huli itong namataan sa 1,120 kilometers East Northeast ng Itbayat, Batanes at taglay nito ang lakas ng hangin na aabot s 150 kilometers per hour at pagbugso na 185 kilometers per hour.
Bumilis na rin ito sa 9 kilometers per hour.
Makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang mga lugar na sakop ng 400 kilometer diameter ng bagyo.
Inaasahang nasa labas na ng Philippine Are of Responsibility (PAR) ang bagyo pagdating ng Linggo ng gabi, o kaya ay 1,520 kilometers East Northeast ng Itbayat, Batanes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.