Duterte: Pahayag ni Sereno, nag-eendorso ng anarkiya
Binaliktad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pahayag ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno tungkol sa pagsusulong ng anarkiya sa bansa.
Inakusahan ng pangulo si Sereno sa pag-eendorso ng anarkiya sa pamamagitan ng mga delikadong pahayag kaugnay sa mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Sinabi ni Ginoong Duterte na mali ang sinabi ni Sereno na hindi dapat magpa-aresto ang drug users kung wala namang arrest warrant.
Ayon sa pangulo, mas delikado ang sinabi ni Sereno dahil mas lalong dadami ang mga masasawi, kaya pinayuhan niya ang chief justice na huwag nang magbibigay ng ganoong pahayag.
Samantala tiniyak naman ni Duterte na sa kabila ng pagkabahala ng marami sa dami ng mga napapatay dahil sa iligal na droga, hindi magkakaroon ng anarkiya sa ilalim ng kaniyang pamamahala.
Una nang ipinaliwanag ni Sereno sa isang pahayag na tungkulin ng korte na pigilan ang paglaganap ng anarkiya sa bansa, lalo na ngayong kasagsagan ng matinding laban ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.