UN, muli na namang binanatan ni Duterte

By Kabie Aenlle August 27, 2016 - 04:45 AM

duterte2Binanatan na naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang United Nations at iba pang mga kritiko sa pinaigting na kampanya ng kaniyang administrasyon laban sa iligal na droga.

Sa pagharap ng pangulo sa mga sundalo sa Davao City, sinabi niya na lumabag sa mga protocols ang United Nations nang maglabas ito ng pahayag ng pagkabahala sa lumolobong bilang ng extrajudicial killings sa bansa.

Aniya, kung alkalde pa lang siya, maari siyang tuligsain ng United Nations, kahit tawagin pa siya ng kung anu-anong pangalan.

Ngunit tila nakalimutan aniya ng mga ito na pangulo na siya ngayon na kumakatawan sa isang bansa.

Tungkulin niya aniya bilang pangulo na protektahan ang Pilipinas at panatilihing buo ang integridad ng bansa.

Kaya naman babala ni Duterte sa United Nations, huwag nang humarap sa media at dumakdak laban sa kaniya dahil presidente na siya ngayon.

Tumungo si Duterte sa ika-10 anibersaryo ng Eastern Mindanao Command sa Naval Station Felix Apolinario sa Davao City.

Sa ngayon nasa 1,700 na drug personalities na ang nasawi sa drug war ni Duterte, dahilan para pumalag ang maraming grupo mula sa iba’t ibang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.