Bahagi ng crane sa Malaysia, bumagsak sa sasakyan, driver patay

By Kabie Aenlle August 27, 2016 - 04:42 AM

The Star Online/Asia News Network
The Star Online/Asia News Network

Nasawi ang isang 23-anyos na babae sa Malaysia, isang linggo bago ang kaniyang 24th birthday matapos bumagsak sa kaniyang sasakyan ang isang bahagi ng crane.

Kinilala ang biktima na si Chin Khoon Sing mula sa George Town sa Penang, Malaysia.

Naganap ang aksidente Huwebes ng gabi, habang nagmamaneho si Chin sa kahabaan ng Jalan Raja Chulan nang biglang bumagsak ang bahagi ng isang construction crane mula sa taas na 20 storeys.

Agad na nasawi si Chin at wasak na wasak ang kaniyang sasakyan.

Ayon sa mga testigo, kinausap ng mga pulis ang management na naka-talaga sa crane at iniimbestigahan na rin ang sanhi ng aksidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.