Journalist na na-ditine sa NAIA, nakalabas na
Nakalaya na ang isang journalist na na-ditine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos siyang harangin ng Bureau of Immigration.
Pinigilan ng Immigration si Miguel Luis Gamboa Besa na makaalis mula sa NAIA Terminal 2 para sa kaniyang flight patungong Jakarta, Indonesia para sa isang business trip.
Si Besa ay isang negosyante at golf page editor ng isang major daily.
Lumalabas na kaya siya hinarang dahil mayroong alert order laban sa kaniya ang US Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa umano’y utang niya na $10,000 sa bangko.
Ngunit giit ni Besa, isa itong pagkakamali dahil nabayaran na niya ang nasabing utang.
Ang nasabing order ay pinirmahan pa ni dating Immigration Commissioner Siegfred Mison dahil sa umano’y warrant of arrest na inilabas laban sa kaniya at dalawang iba pa.
Mula sa US Department of Justice ang nasabing warrant dahil sa kaso ng hinihinalang bank fraud na naibasura naman na ng mga korte sa California.
Dahil sa aberyang naranasan sa pagkaka-ditine mula August 23 hanggang kahapon, nagbabalak si Besa na maghain ng reklamong arbitraty detention laban sa mga pulis, at ipapaalis na rin niya ang alert order ng FBI laban sa kaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.