Duterte, nawalan ng respeto sa Abu Sayyaf dahil sa mga pagpatay
Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na minsan niya ring tiningala ang Abu Sayyaf group noong mga panahong maganda pa ang mga ipinaglalaban nila, lalo na para sa mga tao ng Bangsamoro.
Ngunit ayon sa pangulo, nawalan na siya ng respeto sa bandidong grupo nang magsimula silang pumatay ng mga tao, lalo na ang pagpugot sa ulo ng mga bihag sa harap ng camera.
Aniya, kinakatay ng Abu Sayyaf ang mga tao na parang mga manok.
Sinabi ito ng pangulo bilang reaksyon sa pagpugot ng Abu Sayyaf sa ulo ng kanilang 18-anyos na bihag sa Sulu kamakailan.
Ngayon aniya, wala na siyang tiwala sa nasabing grupo kaya inatasan niya ang mga militar at pulis na buwagin o durugin ang mga ito dahil sila ay mga kriminal.
Wala na rin aniyang saysay kung makikipag-usap pa sa Abu Sayyaf dahil hindi na matatapos ang gulo kung bibigyan sila ng autonomiya.
Dagdag pa ng pangulo, kayang-kaya ng gobyerno na ubusin ang Abu Sayyaf sa loob lang ng isang linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.