10 flights na lalapag sana sa NAIA, na-divert sa Clark dahil sa sama ng panahon

NAIA1Dahil sa sama ng panahon, umanot na sa sampung flights na lalapag sana sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang na-divert sa Clark Airport.

Walo sa sampung flights ay pawang domestic flights ng Cebu Pacific.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) na-divert sa Clark ang mga sumusunod na flights ng Cebu Pacific:

5J 990 Gensan- Manila
5J 566 Cebu- Manila
2P 2544 Dumaguete- Manila
5J 660 Tacloban- Manila
5J 628 Dumaguete- Manila
2P2058 Caticlan- Manila
5J448 Iloilo- Manila
5J622 Tagbilaran- Manila nl

Diverted din sa Clark Airport ang flight DG6056 Busuanga-Manila ng CebGo at ang flight TK84 Istanbul-Manila ng Turkish Airlines.

 

 

Read more...