10 flights na lalapag sana sa NAIA, na-divert sa Clark dahil sa sama ng panahon
Dahil sa sama ng panahon, umanot na sa sampung flights na lalapag sana sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang na-divert sa Clark Airport.
Walo sa sampung flights ay pawang domestic flights ng Cebu Pacific.
Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) na-divert sa Clark ang mga sumusunod na flights ng Cebu Pacific:
5J 990 Gensan- Manila
5J 566 Cebu- Manila
2P 2544 Dumaguete- Manila
5J 660 Tacloban- Manila
5J 628 Dumaguete- Manila
2P2058 Caticlan- Manila
5J448 Iloilo- Manila
5J622 Tagbilaran- Manila nl
Diverted din sa Clark Airport ang flight DG6056 Busuanga-Manila ng CebGo at ang flight TK84 Istanbul-Manila ng Turkish Airlines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.