Dating DAR Secretary, ilang mambabatas, iniimbestigahan sa P220M DAR scam

By Alvin Barcelona August 26, 2016 - 07:55 PM

Ombudsman1Inumpisahan na ng Office of the Ombudsman ang imbestigasyon sa dating kalihim ng Department of Agrarian Reform at tatlo pang mambabatas kaugnay ng P220 million scam sa kagawaran noong 2010 hanggang 2011.

Isinasailalim sa preliminary investigation sina dating Agrarian Reform (DAR) Secretary Virgilio delos Reyes, Senador Gregorio Honasan II, dating Jinggoy Ejercito Estrada, dating San Jose Del Monte, Bulacan Representative Arturo Robes dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act and Malversation through Falsification of Public Documents.

Kasama rin sa iniimbestigahan ang limang opisyal ng DAR at Department of Budget and Management (DBM).

Natuklasan ng Commission on Audit na napunta ang P200 million na pondo sa mga ghost projects ng mga nasabing mambabatas na para sana sa 27 munisipalidad sa mga lalawigan ng Isabela, Bataan, Pampanga, Bulacan, Ilocos Norte, Nueva Ecija, Bataan, Quezon, Batangas, at Pangasinan.

Natuklasan din na gumamit ang mga respondent ng mga palsipikadong dokumento at pekeng pirma para mapalabas ang P220 milyong pondo.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.