Birthday wish ni Panelo kay De Lima: “Sana makatulog siya ng mahimbing”

By Chona Yu August 26, 2016 - 05:10 PM

de limaSana makatulog siya ng mahimbing.

Ito ang birthday wish ni Chief Presdential legal counsel Salvador Panelo kay Senador Leila De Lima na magdiriwang ng kanyang ika-57 kaarawan bukas.

Ayon kay Panelo, sinabi sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkakaroon na umano kasi ng bangungot si De Lima dahil sa kanyang expose’ na may kaugnayan ito sa operasyon ng ilegal na droga.

Dagdag ni Panelo, sana raw ay makahanap ng katahimikan si De Lima dahil nag-uumpisa pa lamang ang pangulo sa pagsisiwalat nito sa partisipasyon ng senador sa ilegal na droga.

Nang tanungin naman si Panelo kaugnay sa hiling ni De Lima na magkaroon ng lovelife sa kanyang birthday, sinabi ni Panelo na sana siya din ay magka-lovelife.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.