Indefinite ceasefire, napagkasunduan na sa peacetalks sa Norway

By Dona Dominguez-Cargullo August 26, 2016 - 04:31 PM

Berit Roald / NTB scanpix via AP
Berit Roald / NTB scanpix via AP

Nagkasundo na ang gobyerno ng Pilipinas at ang mga communist leader na magkaroon ng indefinite ceasefire para sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.

Matapos ang isinasagawang pag-uusap sa Oslo, Norway, nilagdaan ng magkabilang panig ang joint declaration ngayong araw.

Ayon sa Norwegian foreign ministry, ginawa ang paglagda ng mga kinatawan ng Pilipinas at ng National Democratic Front (NDF) Communist movement ngayong huling araw ng peace talks.

Ang pamahalaan ang Norway ay nagsisilbing facilitator para sa peace process sa pagitan ng magkabilang panig mula pa noong taong 2001.

Magugunitang nagsimula ang peace talks sa Oslo noong Lunes.

At bilang pagpapakita ng commitment ay nagdeklara ng pitong araw na ceasefire ang mga komunista na nakatakdang matapos bukas.

 

TAGS: peacetalks, peacetalks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.