8 pulis patay sa car-bomb sa Turkey

By Dona Dominguez-Cargullo August 26, 2016 - 04:24 PM

TurkeyPatay ang walong police officers sa car-bomb na naganap sa isang checkpoint sa southeast Turkey.

Maliban sa walong nasawi, 45 pa ang nasugatan sa pag-atake.

Gamit ang isang truck na puno ng pampasabog isinalpok ito sa isang checkpoint malapit sa bayan ng Cizre sa Sirnak province.

Limampung metro lamang ang layo sa isang police station ng pinangyarihan ng pagsabog.

Sa lakas ng impact ng pagsabog, nawasak ang police station at nagtamo din ng pinsala ang mga kalapit na gusali.

 

 

 

TAGS: car bomb kills 8 policemen in Turkey, car bomb kills 8 policemen in Turkey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.