Atleta mula Poland ibinenta ang napanalunang Olympic medal para ipantulong sa batang may cancer

By Dona Dominguez-Cargullo August 26, 2016 - 04:21 PM

FB PHOTO
FB PHOTO

Para matulungan ang isang bata na makapagpagamot sa sakit na eye cancer, ibinenta ng isang atleta ang napanalunan niyang silver meda sa katatapos na 2016 Rio Olympics.

Nagpasya si Piotr Malachowski, isang Polish discus thrower, na isubasta ang silver medal niya online sa halagang $84,000.

Unang sumulat sa atleta ang isang ina ng bata na nakararanas ng eye cancer na retinoblastoma. Ayon sa ina, para madala ang kaniyang anak sa opthalmologists sa New York, kailangan niya ng $126,000.

Dalawang bilyonaryo naman ang agad na tumugon kay Malachowski at sinabing bibilhin ang kaniyang silver medal at gagastusan din ang lahat ng pangangailangan ng batang maysakit.

 

TAGS: Piotr Malachowski, polish olympian, Piotr Malachowski, polish olympian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.