Sa reklamo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), sinampahan ang magkapatid ng paglabag sa Executive Order 292 o Administrative Code for dishonesty, neglect of duty, misconduct, and conduct prejudicial to the best interest of service as public official.
Inakusahan din ng VACC ang makapatid na Bautista ng paglabah sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at sa ordinansa na nagpapatupad ng Drug-Free Workplace sa lungsod gayundin ng paglabag sa Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service.
Ito ay matapos na magpositibo umano si Hero Bautista paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ayon kay VACC Chairman Dante Jimenez, dapat managot si Mayor Bautista sa paglaganap ng illegal drugs sa lungsod gayundin sa sunod-sunod na kaso ng summary killings sa mga hinihinalang tulak ng droga.
Maliban dito, may pananagutan din umano ang alkalde sa mistulang pagbubulag-bulagan niya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ng kaniyang kapatid.
Nais din ni Jimenez na magbitiw sa pwesto si Coun. Hero Bautista sa halip na ma-leave lamang sa trabaho matapos bumagsak sa drug test.