Ayon kay Philippine National Police (PNP) Region 2 acting director, P/Chief Supt. Gilbert Sosa, nabigo ang 22 chief of police na maipakitang mabisa silang katuwang ng pambansang pulisya sa pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabawasan ang operasyon ng iligal na droga sa bansa sa loob ng anim na buwan.
Sa 22 na sinibak sa pwesto, 12 ay mula sa Isabela, 6 ay mula sa Cagayan, 3 ay mula sa Nueva Vizcaya at 1 ang galing sa Quirino Province.
Ani Sosa, nauna naman niyang binalaan ang mga chief of police at provincial directors noong mag-assume sya sa pwesto na mag-double time sa kampanya kontra droga at kung hindi nila makakamit ang kanilang target sa itinakdang deadline ay sisibakin niya ang mga ito.
Sa ngayon ay naghahanap si Sosa ng mga mas mahuhusay na pulis kapalit ng 22 na mag tatrabaho upang makamit din nila ang kanilang hangarin na maging drug-free ang Region 2.