Pulis na dinukot ng NPA, pinalaya sa Surigao del Sur

By Ruel Perez August 26, 2016 - 03:18 PM

surigao del surPinalaya sa Tandag City, Surigao del Sur si PO1 Richard Yu, tauhan ng Carmen Municipal Police Station sa Surigao del Sur na dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army .

Ayon kay P/Supt. Arvin Montenegro, Acting Chief of Police ng Tandag Police, alas 11:15 ng umaga ng Biyernes nang pakawalan si PO1 Yu sa Bgy Awasyan, Tandag, Surigao del Sur.

Mismong mga NPA umano ang naghatid kay PO1 Yu sa Tandag.

Dinukot si Yu noong July 5, sa Barangay San Vicente, Carmen, Surigao del Sur dahil umano sa pagkakasangkot nito sa ilegal na droga.

Sa ngayon ay nasa Adela Memorial Hospital sa Tandag si Yu at nasa mabuti namang kalagayan.

Gayuman, nangayayat umano ang pulis matpaos ang dalawampung araw na pagkakabihag.

Nakatakdang isailalim sa tactical debriefing si PO1 Yu bago magdesisyon kung kailan ito ibabalik sa serbisyo.

 

TAGS: Police freed by NPA in Patikul Sulu, Police freed by NPA in Patikul Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.