Bagyong Dindo, napanatili ang lakas; mabagal pa rin ang kilos ayon sa PAGASA

Napanatili ng bagyong Dindo ang lakas nito habang mabagal pa ring kumikilos sa direksyong Northeast.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 985 kilometers East Northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 195 kilometers kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong Northeast sa bilis na 7 kilometers kada oras.

Sa pagtaya ng PAGASA, bukas ng umaga, nasa 1,140 kilometers East Northeast ng Itbayat, Batanes ang bagyong Dindo at nasa 1,520 kilometers East Northeast ng Itbayat sa Linggo ng umaga, o nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility.

 

 

 

Read more...