Sariling pera ang ginagamit ni Duterte pag-uwi sa Davao tuwing weekend

By Chona Yu August 26, 2016 - 09:37 AM

duterte2Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang ginagastos ang pamahalaan tuwing umuuwi siya ng Davao kada weekend.

Ayon sa pangulo, personal niyang pera ang ginagastos sa pagbiyahe sa Davao at pabalik ng Manila.

Gayunman, aminado ang pangulo na pera na ng bayan ang kanyang ginagamit tuwing bumibisita siya sa mga kampo ng military.

“I do not use government money when I go home and back to Manila for work. But for my outside visits to the military camps, and to be here, to pay my respects sa fallen hero. Lalo na sa anti-drug campaign,” paliwanag ng pangulo.

Karaniwang sumasakay ng presidential chopper ang pangulo kapag nagtutungo sa iba’t ibang kampo para hindi na makadagdag sa problema sa trapiko.

Bukod sa pagbisita sa mga kampo, tinitiyak din ng pangulo na personal niyang nabibisita ang mga pulis at sundalo na nasusugatan o nasasawi sa anti-drug campaign.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.