Isa sa tatlong preso na tumakas sa Cotabato, napatay ng mga otoridad

By Dona Dominguez-Cargullo August 26, 2016 - 09:25 AM

north cotabatoNapatay na ng mga pulis ang isa sa tatlong preso na tumakas sa bilangguan sa Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Mama Mandagia Makalati alyas “Marco” at residente ng Brgy. Lanuon Carmen, North Cotabato.

Si Makalati ay isa sa tatlong preso na tumakas sa Cotabato Provincial Jail sa Barangay Amas Kidapawan City.

Ayon sa ulat ng mga otoridad, namataan ang suspek sa isang abandonadong bahay sa Barangay Tinutulan Pikit North Cotabato.

Nang puntahan ito ng mga pulis ay tumakbo at akmang manlalaban kaya pinaputukan ito ng mga otoridad dahilan ng kanyang pagkasawi.

Sa ngayon ay patuloy pang tinutugis ng pulisya at Bureau of Jail and Management Penology (BJMP) ang mga kasamahan ni Makalati na sina Teng Puti Mustapha at Esmael Nasser alyas “Derbi.”

Nilagari ng tatlong bilanggo ang rehas ng selda sa loob ng Cotabato Provincial Jail at tumakas kasabay ng malakas na buhos ng ulan.

 

 

TAGS: Cotabato Provincial Jail, Cotabato Provincial Jail

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.