Buy-bust operation isinagawa sa loob ng medium security compound ng Bilibid

By Dona Dominguez-Cargullo August 26, 2016 - 07:03 AM

Contributed Photo
Contributed Photo

Nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Philippine National Police – National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) sa loob mismo ng New Bilibid Prisons.

Limang preso sa medium security compound ang nahulihan ng limang bulto ng shabu na nagkakahalaga ng P60,000.

Dahil dito, sinundan na rin ng Oplan Galugad ng NCRPO ang nagpositibong buy bust.

Sa Isinagawang pag-galugad, samu’t saring kontrabando pa rin ang nasabat, gaya ng mga cellphones at appliances.

Ang limang preso na may kasong robbery at theft at sasampahan ng dagdag na kasong may kaugnayan sa illegal drugs at ililipat sa maximum security compound.

Ayon kay NCRPO Director, Police Chief Supt. Oscar Albayalde, sa sobrang laki ng medium security compound, tiyak na maraming preso ang nakapagtago na ng kanilang mga kontrabando habang isinasagawa nila ang pag-galugad.

Magsasagawa pa aniya sila ng follow-up operations upang matukoy kung sino ang source ng shabu ng mga preso.

 

 

 

TAGS: Oplan Galugad, Oplan Galugad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.