Patay sa lindol sa Italy, 250 na

Photo from SkyAlert Mobile App
Photo from SkyAlert Mobile App

Patuloy ang paghahanap sa mga posibleng survivors sa naganap na magnitude 6.2 na lindol sa Italy.

Malaking hamon sa mga rescuers ang patuloy at sunod-sunod pa ring aftershocks na nararanasan, habang sila ay nagsasagawa ng paghahanap sa mga natabunan ng debris.

Dahil dito, patuloy ang panganib ng pagguho ng mga bahay at gusali tuwing magkakaroon ng aftershock.

Sa huling tala, umabot na sa 250 ang nasawi at 360 na iba pa ang sugatan sa central Italy.

Karamihan sa mga nasawi ay mula sa bayan ng Amatrice na pinakamatindi ang tinamong pinsala.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang Civil Protection Agency ng Italy na may makukuha pang mga buhay sa ilalim ng mga nagbagsakang debris.

 

 

Read more...