Sa update ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 970 kilometro sa East-Northeast ng Itbayat.
Napanatili ng bagyo ang lakas nito na 160 kph malapit sa gitna at bugsong nasa 195 kph.
Bagamat may kalakasan, hindi naman ito tatama sa lupa.
Ang southwest monsoon o habagat ang makakaapekto sa western section ng Luzon.
Inaasahang mananatili ang maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat-pagkulog sa mga rehiyon ng Ilocos, Gitnang Luzon at MIMAROPA.
Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Kamaynilaan at nalalabing bahagi ng bansa.