Itinalaga bilang Ambassador of Goodwill for the youth sa Pilipinas ang minsan nang naging kontrobersyal na personalidad na si Deniece Cornejo.
Isang international non-government organization (NGO) na nagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa at development ang nagtalaga sa kaniya sa nasabing pwesto.
Ito ay ang Chivalric Order of the Royal House of Baloi na naka-base sa Mindanao at konektado rin sa United Nations, at ng SPMUDA International Organization for Peace and Development.
Magsisimula ang paninilbihan ni Cornejo mula ngayong buwan at tatagal ng tatlong taon.
Ayon kay Cornejo, layunin niyang i-empower ang mga kabataan sa pamamagitan ng nasabing appointment, at na nasasabik rin siya na makaharap si National Youth Commission (NYC) Chair Aiza Seguerra, dahil magka-ugnay rin ang kinabibilangan niyang organisasyon dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.