Dagdag na lupa ng Hacienda Luisita, ipapamahagi na ng DAR

By Jay Dones August 26, 2016 - 04:27 AM

 

luitia reymond orejas contributor
Reymond Orejas/Contributor

Nilagdaan na ni Secretary Rafael Mariano ng Department of Agrarian Reform ang direktibang magsusulong ng pamamahagi ng karagdagang  358.22 ektarya ng lupain na nasa loob ng Hacienda Luisita sa mga manggagawa nito.

Una nang na-exempt ang Hacienda Luisita na naka-rehistro sa Tarlac Development Corp. (Tadeco) ng mga Cojuangco sa Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP.

Ang naturang 358 ektarya na pag-aari ng Tadeco ay bukod pa sa 4,915 ektarya na ipinag-utos ng Korte Suprema na ipamahagi  sa mga magsasaka noong 2011.

Una nang iginiit ng Tadeco sa DAR na hindi ‘agricultural land’ ang naturang lupain.

Sa direktiba ni Mariano, ipinag-utos nito sa provincial office ng Tarlac  na agad na ipatupad ang ‘land acquisition’ at pamimigay ng lupain.

Gayunman, kung nanaisin aniya ng Tadeco na maghain ng apela sa korte ay maari naman itong gawin.

Ngunit habang wala aniyang Temporary Restraining Order mula sa Korte Suprema ay tuloy ang proseso ng pamamahagi ng lupain sa mga magsasaka.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.