Duterte kay De Lima: ‘Tapos ka na’

By Jay Dones August 26, 2016 - 04:30 AM

 

Inquirer.net

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanya nang tinapos ang karera sa pulitika ni Senador Leila De Lima sa mga isiniwalat niyang mga anomalya na kinasasangkutan umano ng mambabatas at pagbubunyag  nito sa ‘relasyon’ nito sa kanyang driver-bodyguard.

Ayon kay Duterte, nakatitiyak siyang mistulang bangungot ngayon ang pinagdaraanan ni De Lima sa gitna ng mga rebelasyon laban sa senadora.

Una rito, inilabas na ng pangulo ang ‘matrix’ na nagtuturo ng koneksyon umano ni De Lima sa iligal na droga na pinangangasiwaan ng mga drug lords na nakakulong sa New Bilibid Prisons (NBP).

Bukod kay De Lima, iniugnay pa ni Duterte ang bodyguard-driver ni De Lima na si Ronnie Dayan,  ddating Justice Undersecretary Francisco Baraan III, ang kapatid nitong si Pangasinan Administrator Raffy Baraan, dating Bureau of Corrections chief Franklin Bucayu, dating  Pangasinan Governor at ngayo’y Congressman Amado Espino Jr., Pangasinan Board Member Raul Sison at isang alyas ‘Ms Cardenosa.’

Gayunman, iginiit ni Sen. De Lima na basura ang naturang diagram at mistulang katatawanan at hindi maituturing na ebidensya.

Giit ng Pangulo, si De Lima ang naunang bumanat sa kanya nang akusahan siya nitong pasimuno ng Davao Death Squad noong ito ay alkalde pa ng lungsod.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.