2 sugatan sa pamamaril sa bangka sa Masbate

By Kabie Aenlle August 26, 2016 - 04:23 AM

 

Mula sa Google Maps

Hindi bababa sa dalawa katao ang nasugatan kabilang na ang isang buntis matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan ang kanilang sinasakyang pampasaherong bangka sa Claveria, Masbate.

Ayon kay SPO1 Zandro Cabintoy ng Masbate provincial police, patungo ang bangka na Princess AJ sa Masbate City nang biglang umatake ang mga armadong lalaki sakay ng isang bangkang de motor.

Dito nasugatan ang pasaherong si Raul Gueta at ang babaeng buntis na hindi pa nalalaman ang pagkakakilanlan.

Naganap ang pag-atake sa bandang barangay ng Quezon sa bayan ng Claveria, alas-11:30 ng umaga ng Huwebes.

Inaalam pa ng Claveria police ang motibo sa pag-atake, at hindi naman nabanggit ni Cabintoy kung ilang pasahero ang sakay ng bangka.

Bumuo na rin ang lokal na pulisya ng grupo na hahanap sa mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.