Dela Rosa sa mga drug surrenderees sa Bacolod: ‘Sunugin ang mga bahay ng drug pusher’
Binuyo ni Chief PNP Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang mga drug surenderees sa Bacolod City na ilagay sa sarili nilang kamay ang pagpapatupad ng batas Laban sa mga drug lord.
Sa kaniyang pagsasalita sa harap ng mga sumukong drug suspects sa Camp Montelibano sa Bacolod City Huwebes, sinabi ni Bato na biktima lamang ang mga user ng malalaking mga druglords at financiers
Paliwanag ni Bato, habang kumakamal ng limpak-limpak na salapi ang mga druglords, tinutuyo naman ng droga ang utak ng mga gumagamit nito.
Dahil dito, ani dela Rosa, kung alam naman ng mga adik ang bahay ng mga druglord sa kanilang lugar, pwede aniya nila itong buhusan ng gasolina at silaban.
Giit pa ni Bato, ang mga druglords ang yumayaman at magaganda ang pamumuhay habang ang mga user ang nasisira ang kinabukasan
Sa kabila nito, iginiit ni dela Rosa sa mga surrenderees na hindi pa huli ang lahat at may pagakakataon pang magbagong buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.