Mga Kongresista bawal ng gumamit ng “8” na plaka ng mga sasakyan

plate 8a
Inquirer file photo

Ipinag-utos na ni House Speaker Panteleon Alvarez ang pag-racall sa lahat ng mga protocol plate na number “8” na karaniwang ginagamit ng mga kongresista.

Sa pamamagitan ng isang memorandum na nilagdaan ni House Secretary-General Cesar Pareja, kanyang sinabi na ipinag-utos ng pamunuan ng Kamara ang pagbawi sa lahat ng mga protocol plates na may number 8.

Sinabi ni Pareja na marami silang natanggap na mga sumbong kaugnay sa maling pag-gamit sa nasabing protocol plate.

Hindi rind aw maganda na nakikita ang “number 8” sa ilang mga lugar na hindi angkop sa mga iginagalang na opisyal ng pamahalaan.

Nauna nang ipinanukala sa Kamara ang pagregulate sa protocol plates para sa mga Kongresista dahil sa mga sumbong na pati ang ilang mga ordinaryong motorista ay ginagamit ang prebelihiyo nito para sa exemption sa number coding at iba.

Sakop ng nasabing kautusan hindi lamang ang mga number 8 plates na inisyu sa 16th Congress kundi pati yung mga inisyu sa mga nakalipas na taon.

 

Read more...